Wednesday, May 11, 2011

5 maling paraan ng pag.iimpok para sa iyong retirement

Naisip mo na bang “mayaman ka nga pero mahirap pa rin”?
Maaring merong mga pinoy na nagkakandarapa at nagpapakahirap sa pag.iipon ng pera para sa kanilang retirement, hindi masama… pero sabi nila, ang pag.iipong ito ay maari ding makasama. Narito ang limang pwedeng magyari na ang pag.iipon para sa iyong retirement ang pwedeng makasama.


Napapabayaan mo na ang iyong kalusugan. Wag mong pabayan ang iyong kalusugan para lamang makapag-ipon. Aanhin mo pa nga daw ang napakaraming pera kung hindi mo na ito ma enjoy dahil lagi ka na lang nakahiga sa kama o lagi ka na lang nasa ospital? Malaking bahagi ng magandang retirement ay ang pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan. Palaging isipin ang iyong isinasakripisyo kapag ipinagpapaliban mo ang pagpapa checkup o ang pagkain ng mura at d malulusog na pagkain para lamang makapag ipon. Dapat siguro balance parin na kahit konti lang ang iyong naiipon sa loob ng isang taon e hindi mo rin naman pinababayaan ang iyong kalusugan.


Nagiipon sa halip na bayaran ang utang sa credit card. Magiipon ka ba o babayaran muna ang utang sa credit card? Ang napakataas na interest ng utang sa credit card ay dapat munang unahin. Napakasamang strategy ata na nagtatabi ka nga ng kaunting pera samantalang ang interest ng iyong utang ay 20% o higit pa sa isang taon.


Nagiipon ng hindi tama o sa masamang paraan. Napakabigat ata sa kalooban kung napakasarap nga ng buhay ng iyong pagreretiro pero ang perang ginagamit mo ay nakuha mo sa masamang pamamaraan o meron kang tinapakang ibang tao para lang makuha ang perang ninais mo.pagsisisihan mo rin kung ang iyong mga milyones ay galling sa pagnanakaw o dahil is ka sa nagpasimuno ng scam. Kabaligtaran ito kung ang pera mo ay iyong pinagpawisan at pinaghirapan, Mas masarap ang ganitong klase ng tagumpay.


Sobrang pagtiis para makapagipon. Sabi nga nila, ang pagiipon para sa iyong kinabukasan ay pagtanggap na kailangan mo munang magtiis. Kumbaga, hirap bago sarap. Walang masama rito dahil napakahalaga ng pag.iipon para sa iyong kinabukasan. Pero wag kalimutan na kailangan mo pa ring mag enjoy paminsan-minsan.


Nakakalimutan o hindi na nagbibigay. Bawat pinoy ay may kakayahang magbigay. Kung gipit sa pera, pwede kang mag volunteer sa pagkakawanggawa. Ipagpasalamat palagi na meron kay pagkain sa iyong lamesa sa araw-araw habang ang ibang tao sa buong mundo ay namamatay dahil sa gutom. Ang pagkakawanggawa at pagbibigay sa iba ay nagbibigay nga kakaibang pakiramdam na habang buhay na hindi kayang tumbasan ng gaano mang karami ng pera.

No comments:

Post a Comment