Friday, May 13, 2011

Financial checklist para sa mga bagong college graduate

Karamihan sa nating mga pinoy ay walang alam kung pano ang tamang paraan ng paggamit ng pera. Advantage nang maituturing kung ang mga magulang natin ay marunong nito subalit maaring hindi pa rin ito sapat upang haraping ang financial life pagka graduate mo sa kolehiyo. Malamang hindi rin natin natutunan sa paaralan ang wasto o kahit anong personal money managing principles. Heto ang ilang paraan sa pagsisimula patungo sa financial freedom pagkatapos sa kolehiyo.

Iwasan ang gastos dito gastos doon habit.

Tama graduate ka na nga at last. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi mo na kailangang mag.alala sa iyong kinabukasan dahil kikita o kumikita ka na. napakadaling matuksong gumastos lalo na’t halos lahat ng makikita mo sa paligid ay sales dito , sales doon. Isa sa mga goal ng pagiging financially free ay ang wag umasa sa sweldo lamang. Mas maganda na habang maaga ay alam o alamin natin kung paano at saan lang tamang gamitin ang pera. Kung hindi natin ito sisimulan pagka graduate natin ng college, mahihirapan na tayong mag adjust. Mas maganda kung gumawa tayo ng savings and spending plan, kung maari gumawa tayo ng listahan ng mga bagay na pagkakagastusan.

Magipon

Palagi na lang nating naririnig o nababasa mula sa mga financial advisors na we should pay ourselves first, ibig sabihin eh unahin ang pag-iipon na magagamit natin sa anumang emergency tulad ng biglaang pagkawala ng trabaho.

Ayon din sa kanila, dapat daw na ang cash reserves natin e katumbas ng 3 hanggang 6 na buwan nating sweldo. So, kung makakagawa tayo ng ganitong cash reserves within two to three years, pwede na nating sabihin na we’re on the right track.

Set goals

Isipin kung ano ba ang mga gusto natin. Halimbawa, gusto mo bang mag travel?(sino kaya ang ayaw), gusto mo bang makabili ng magandang electronic gadget?, mag negosyo? O kaya gusto mong magkaroon ng certain amount of money sa banko para para secure ka for any emergencies. Kasama na rin dito sa mga goals na ito na gusto mong magkaroon ng bahay o kaya kotse.

Ano pa man ang mga goals na ito, dapat realistic at dapat naka plano kung paano makakamit. Mas maganda kung isusulat ang mga ito. Subalit hindi lamang dapat isulat kundi dapat magkaroon ng desiplina sa pag abot ng mga goals na ito.

Unahin ang mga importanteng pagkakagastusan.

Wala naman sigurong masama kung mag enjoy tayo paminsan minsan, o kaya bumili ng mga bagay na gusto natin as long as na maayos at nasa tamang oras ang pagbabayad natin sa mga tamang gastusin.

Ang marami ay mas mabuti sa isa

Kung maari, mag bukas tayo ng iba’t-ibang accounts para sa pag iipon o sa goals na palalaanan natin. Ihiwalay ang account ng iyong payroll sa ibang target savings account.

Maglaan para sa retirement habang maaga.

Maaring hindi ito ang una nating iisipin pagka graduate sa college, pero para magamit natin ang kakayahan ng compounding interest or compounding returns, mas maganda kung sisimulan na natin ito.

Insure yourself

Karamihan sa malalaking company sa pilipinas e me kasama nang medical insurance, pero kung mejo wala ito sa benefits ng kompanyang pinapasukan, sikaping kumuha nito.

Wednesday, May 11, 2011

5 maling paraan ng pag.iimpok para sa iyong retirement

Naisip mo na bang “mayaman ka nga pero mahirap pa rin”?
Maaring merong mga pinoy na nagkakandarapa at nagpapakahirap sa pag.iipon ng pera para sa kanilang retirement, hindi masama… pero sabi nila, ang pag.iipong ito ay maari ding makasama. Narito ang limang pwedeng magyari na ang pag.iipon para sa iyong retirement ang pwedeng makasama.


Napapabayaan mo na ang iyong kalusugan. Wag mong pabayan ang iyong kalusugan para lamang makapag-ipon. Aanhin mo pa nga daw ang napakaraming pera kung hindi mo na ito ma enjoy dahil lagi ka na lang nakahiga sa kama o lagi ka na lang nasa ospital? Malaking bahagi ng magandang retirement ay ang pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan. Palaging isipin ang iyong isinasakripisyo kapag ipinagpapaliban mo ang pagpapa checkup o ang pagkain ng mura at d malulusog na pagkain para lamang makapag ipon. Dapat siguro balance parin na kahit konti lang ang iyong naiipon sa loob ng isang taon e hindi mo rin naman pinababayaan ang iyong kalusugan.


Nagiipon sa halip na bayaran ang utang sa credit card. Magiipon ka ba o babayaran muna ang utang sa credit card? Ang napakataas na interest ng utang sa credit card ay dapat munang unahin. Napakasamang strategy ata na nagtatabi ka nga ng kaunting pera samantalang ang interest ng iyong utang ay 20% o higit pa sa isang taon.


Nagiipon ng hindi tama o sa masamang paraan. Napakabigat ata sa kalooban kung napakasarap nga ng buhay ng iyong pagreretiro pero ang perang ginagamit mo ay nakuha mo sa masamang pamamaraan o meron kang tinapakang ibang tao para lang makuha ang perang ninais mo.pagsisisihan mo rin kung ang iyong mga milyones ay galling sa pagnanakaw o dahil is ka sa nagpasimuno ng scam. Kabaligtaran ito kung ang pera mo ay iyong pinagpawisan at pinaghirapan, Mas masarap ang ganitong klase ng tagumpay.


Sobrang pagtiis para makapagipon. Sabi nga nila, ang pagiipon para sa iyong kinabukasan ay pagtanggap na kailangan mo munang magtiis. Kumbaga, hirap bago sarap. Walang masama rito dahil napakahalaga ng pag.iipon para sa iyong kinabukasan. Pero wag kalimutan na kailangan mo pa ring mag enjoy paminsan-minsan.


Nakakalimutan o hindi na nagbibigay. Bawat pinoy ay may kakayahang magbigay. Kung gipit sa pera, pwede kang mag volunteer sa pagkakawanggawa. Ipagpasalamat palagi na meron kay pagkain sa iyong lamesa sa araw-araw habang ang ibang tao sa buong mundo ay namamatay dahil sa gutom. Ang pagkakawanggawa at pagbibigay sa iba ay nagbibigay nga kakaibang pakiramdam na habang buhay na hindi kayang tumbasan ng gaano mang karami ng pera.